Ang Filipino-Dutch na si Erik Lennart Visser ang nagwaging Mister Universe Tourism 2023 sa grand coronation na idinaos sa Bali, Indonesia, noong Linggo, March 19, 2023.
PHOTO: Mr. Universe Tourism Facebook
Kurt Visser
First runner-up ni Erik si Huynh Vo Hoang Son ng Vietnam, at si Francisco Jose Merida Moyano ng Spain ang second runner-up.
Ang Mister Universe Tourism ang kinikilala bilang isa sa limang pinakamalaking male pageants sa buong mundo.
Ang Cebu-based licensed pilot na si Erik ang ikalawang Pilipino na nanalong Mister Universe Tourism.
Si Ion Perez ang unang Pilipino na nanalo ng nasabing titulo sa second edition ng Mister Universe Tourism na ginanap sa Pilipinas noong May 2018.
Ion Perez
Bukod sa Mister Universe Tourism 2023 title, si Erik ang tumanggap ng Best in Formal Wear special award dahil sa kasuotan niyang gawa ng sikat na fashion designer na si Cary Santiago.
Kurt Visser
Ang labanan ang racism at discrimination ang advocacy ni Erik. Sumulat siya ng orihinal na spoken poetry na may pamagat na "Colorless" para higit na maibahagi ang kanyang mga karanasan bilang half-Filipino, half-Dutch.
Pahayag ni Erik tungkol sa kanyang adbokasiya: "As a mixed race Filipino, my advocacy on equality among all races, ethnicity, religion or gender is aimed at raising awareness and embracing our individuality.
"The Philippines is a very diverse country, with influences from around the world from the past to present that makes up for our rich history and image.
"We are a melting pot of many cultures and this make us Uniquely Filipino, which is important to embody that Pinoy Power and share to the world as we welcome all to visit the Philippines and experience its festive identity with an inviting smile.
"Our biggest tourism factor is the people, and that's what I'm proud to boast about joining the Mister Universe Tourism pageant."
Ang fashion designer na si Dexter Alazas ang mentor at manager ni Erik. Si Alazas ang lumikha ng Sarimanok National Costume ni Erik sa Mister Universe Tourism.
Erik Visser with mentor/manager Dexter Alazas, who designed the Sarimanok national costume of Erick (right)
Nagmula si Alazas sa Muslim origin, at ang Sarimanok ang itinuturing nilang simbolo ng magandang kapalaran at kasaganaan.
Recycled plastic materials at scrap local handwoven fabrics mula sa Cebu ang mga materyal na ginamit na materyal ni Alazas para sa Sarimanok costume ni Erik.
Bukas, March 21, ang nakatakdang pagbabalik ni Erik sa Pilipinas mula sa kanyang matagumpay na paglahok sa Mister Universe Tourism sa Bali, Indonesia.
2023-03-20T16:06:21Z dg43tfdfdgfd